Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 83



Kabanata 83

Nagtataka si Madeline kung may Multiple Personality Disorder ba si Elizabeth. Pabago-bago ang trato

sa kanya nito.

Sa sandaling ito, isang matangkad at mapayat na tao ang lumitaw sa pinto.

Lumiwanag ang mga mata ni Elizabeth. "Mr. Whitman, bakit ka naparito?"

Nagbago ang ugali niya. Napakahinhin na niya ngayon.

Nang marinig ito ng ibang mga empleyado, inipalag nila ang kanilang mga bag at magalang na ngumiti

kay Felipe. "Mr. Whitman."

Nakabalik na sa ulirat si Madeline. Subalit, tapos na ang lahat na batiin ito. Magmumukhang gusto

niyang magpasikat kung babatiin niya ito ngayon. Kaya tumango na lamang siya at nginitian si Felipe.

Nginitian ni Felipe si Madeline bago pumasok. Mukha siyang maringal. Napakagwapo at elegante niya.

"Maraming salamat sa pagtitiyaga niyong lahat. Good luck sa bago niyong proyekto," mahinhin niyang

sinabi.

Tinignan ni Elizabeth ang kanyang mga katrabaho at kaagad naunawaan ng lahat ang ibig-sabihin

niya. "Maraming salamat sa iyong pag-aalala Mr. Whitman. Gagawin namin ang aming makakaya!"

"Okay." Tumangi si Felipe.

Pinaglaruan bi Elizabeth ang kanyang mahaba at kulot na buhok. Nang hintayin niya na lumapit sa

kanya si Felipe, nakita niya itong nilagpasan siya at dumiretso kay Madeline.

Nasira ang ngiti ni Elizabeth. Tumingin sa pagtataka ang ibang mga empleyado.

Pakiramdam ni Madeline na may nangyayari. Mukhang may nararamdaman su Elizabeth para kay

Felipe. Subalit, nang mapagtanto na niya ito, nakatayo na si Felipe sa harapan niya.

"Maddie." Mahinahon niyang sinabi, "Kumusta ka naman?"

Mabilis na tumayo si Madeline. "Ayos lang ako Mr. Whitman. Maraming salamat sa pagbibigay sa akin

ng ganito kalaking oportunidad."

"Pamilya tayo. Di mo kailangang maging magalang sa akin." Magiliw ang ngiti ni Felipe.

Subalit nang marinig ng lahat ang sagot niya, sumabog ang buong opisina.

Tinignan ng lahat si Madeline sa gulat at pagtataka. Gustong-gusto nilang malaman kung ano ang

ugnayan nu Madeline sa kanilang boss.

"May family dinner tayo mamaya. Uuwi din ako kaya isasabay na kita."

Nagdalawang-isip si Madeline at tinanggihan ang alok. "Di na kailangan. Kaya ko nang pumunta mag-

isa."

"Iisang lugar lang naman ang pupuntahan natin. Bakit napakagalang mo pa rin?" Nakangiting tinanong

ni Feliper. Malumanay ang kanyang tono.

Hindi na alam ni Madeline kung paano ito tatanggihan. Magmumukha siyang hambog kung

tatanggihan niya ito ulit.

Subalit, kung hindi, magmumukha naman siyang masyadong malapit.

Nang nagiging mailang na ang paligid, nagsaita si Felipe.

"Kahit na may espesyal na ugnayan kami ni Maddie, nakapasok siya sa kompanya gamit ang kanyang

talento. Bago pa lang si Madeline dito kaya umaasa ako na aalagaan niyo siya."

"Huwag kang mag-alala Mr. Whitman, aalagaan ko si Maddie!" Sakto ang paglapit ni Elizabeth.

Pagkatapos nito, kaagad niyang tinapik ang balikat ni Madeline. "Maddie, tanungin mo lang ako kung

my hindi ka sigurado. Ang kaibigan ni Mr. Whitman ay kaibigan ko rin!" noveldrama

Hehe

Tinignan ni Madeline ang mapagpanggap na ngiti ni Elizabeth at labis na nailang.

Pagkatapos ay umalis si Madeline at Felipe habang tinitignan sila ng lahat.

Nang papunta na sa unang palapag na sila, tumunog ang cellphone ni Madeline. Mula ito kay Jeremy.

Tinignan niya ang caller ID. Pagkatapos ang ilang segundong pagdadalawang-isip, ibinaba niya ang

linya.

Ito ang unang beses na binabaan niya ito.

"Bakit di mo sinagot?" Nagtatakang tanong ni Felipe.

Bahagyang ngumiti si Madeline. "Scam caller lang yun."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, nakarating na sila sa unang palapag. Nang bumukas ang pinto at

palabas na si Madeline, nakita niya si Jeremy na nakaitim na nakatayo sa harapan niya na may

malamig na hangin sa paligid nito.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.