Chapter 2: Ang Amo ko
Aleighn's POV
Halos mapanganga ako sa pagtitig sa papalayong bulto ng amo ko hindi dahil sa pisikal niyang anyo na makalaglag panty, kung hindi dahil sa masangsang niyang ugali.
Hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa sa pag kilos sa malaking bahay na ito na siya at ako lang ang tao. Kahit driver man lang o isang guwardiya ay wala siya, parang ang lungkot naman tuloy dito sa bahay na ito malaki nga pero wala namang laman.
Tiyak kong magugustuhan dito ni Ravi kung makikita niya ang bahay na ito, gustong gusto niya kasi ang mga bahay na nagsusumigaw sa laki. Bata palang siya pero gusto niya na kaagad ang maging architect, kaya minsan ay dadalhin ko siya rito.
Pumunta ako sa may bandang kusina ng bahay na ito kung saan ko natagpuan ang kwarto para sa mga katulong, nagbihis na muna ako ng unipormeng bigay ni Sir Craige sa akin at halos magmukha akong madre sa haba, pero anong magagawa ko eto ang binigay katakot naman magreklamo bako matawag na naman akong b*tch.
Ang gwapong nilalang pero ni isang emosyon sa mukha hindi ko makitaan, dapat nga masaya na siya sa buhay niya mayaman may pera at maraming negosyo wala ng mahihiling pa, pero kung sabagay hindi naman pera o yaman ang basehan ng buhay para maging masaya.
Naiisip ko tuloy na baka may pinagdadaanan sa buhay ang tulad niya kaya ganito ang pag trato niya sa ibang tao, o kaya naman ayaw lang talaga niyang mag tiwala sa iba kaya mabilis niya kung itaboy.
Gusto ko tuloy siyang mas makilala at malaman ang tungkol sakanya, makapagtanong nga kay Aling Choleng tutal ay nanilbihan din naman siya sa taong ito.
Hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa sa pag lilinis pero sa huli ay minabuti kong unahin ang living room. Wala ang amo ko sa paligid at sa tingin ko ay nasa kuwarto niya siya. Gustuhin ko mang puntahan siya para magtanong eh natatakot akong akyatin ang silid niya dahil wala namang pahintulot niya.
Pagtapos ng living room ay sinunod ko ang garden, swimming pool at pang huli ay ang parking lot niya na hindi lalampas sa sampu ang nakaparadang sasakyan.
Natapos ko ng linisan ang sa tingin ko'y dapat linisin kaya naman pinulot ko na lahat ng mga ginamit ko sa paglilinis, magluluto naman ako dahil malapit na ang oras ng tanghalian
"Who the hell told you to clean here?!"
"Ay kabayong bundat!" bulyaw ng amo kong nagpa gulat sa akin dahilan para mabitawan ko ang timbang may tubig
"Sir ikaw pala.. Naglinis lang po ako dito" sabi ko ng nakangit kahit bakas parin ang gulat
"Hindi ko sinbaing maglinis ka dito, are you planning to steal one of my car?!" bulyaw na naman niya
Ano daw steal? Iniisip niyang magnanakaw ako ng sasakyan, paano ibubulsa ko? Iba din isip ng nilalang na ito
"Hindi naman sir, hindi po ako marunong mag maneho"
"Ganyan ba talaga kayong mahihirap, laging may sagot!.. Cook my lunch bago pa kita kaladkarin palabas ng bahay ko kumilos kana!" sigaw na naman niya, halos hindi ata marunong magsalita ang isang ito ng hindi nasigaw "Ano pong gusto niyong ulam?" tanong ko
"It's your job, dont ask me stupid!" sagot niya sabay martsa palayo sa akin
Anong klase ng tao kaya siya at bakit parang hindi man lang natutong makitungo ng maayos sa kapwa.
Tsk palibhasa mayaman!
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Mabilis akong nagtungo sa kusina at halos malito ako sa mga gamit pero dahil matalinong tao ako ay hindi naman ako naging ignorante sa pag gamit ng mga iyon.
Hindi ko alam ang gusto niyang pagkain pero dahil sinabi niyang trabaho ko ito, adobong manok at sinigang na baboy ang niluto ko. Kaonti lang ang hinanda ko dahil mag isa lang naman siyang kakain, at kung may matira ayun na rin siguro ang pananghalian ko hindi naman siguro siya magagalit kung kakainin ko ang matitira sa niluto ko
Hinanda ko ang hapag para sakanya, may tubig at orange juice pa kung sakaling gugustuhin niya. Hindi pa ako tuluyang natatapos maghanda ng bigla na siya naupo sa pwestong napili niya.
Sabi ni Aling Choleng hindi ito napirmi ng bahay pero bakit kaya nandito itong tao na ito, baka wala masyadong trabaho at sinusubok ang pagiging katulong ko.
"Nako Sir andyan na po kayo... Osya kain na po hindi ko alam ang gusto niyong pagkain pero sana magustuhan mo" nakangiti kong sabi sabay pakita ng mga ulam na nakahanda sakanya At gaya ng mukha niyang nabungaran ko kanina mula ng pumasok ako sa bahay niya, ganoon pa rin ang emosyon niya, salubong ang kilay.
"Wala pong lason yan" segunda ko baka mamaya kasi ay isipin niyang may lason kaya inunahan ko na siya
Agad akong tumalikod ng mapansin kong magsandok na siya ng pagkain niya ng bigla siyang magsalitaProperty © NôvelDrama.Org.
"You stay on my side ganoon dapat ang mga katulong, hinihintay na matapos kumain ang amo nila" walang emosyon niyang sabi kaya agad akong pumunta sa gilid niya Pansin ko ang paunti unti niyang pagtikim sa sabaw ng sinigang, sunod ang pagsubo ng kanin kasama ang adobo kaya sigurado akong nagustuhan niya ang luto ko "Sir masarap luto ko ano po?" tanong ko pero mukhang wrong timing dahil mukhang nagulat siya at nasamid
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Ahaha! Ahaha!" pag ubo niya
Nataranta ako kaya dali akong lumapit sakanya, hinimas ang likod niya at pinainom siya ng tubig
"Nako sir pasensya na nagulat po kita!" nag aalalang sabi ko at patuloy sa pag himas ng likod niya
Agad naman niyang ininom ang inabot kong tubig dahilan para umayos na ang pag ubo niya
Padabog niya binaba ang baso na may tubig at dali dali akong hinawakan ng madiin sa dalawang braso ko
"Are you trying to kill me huh?!" malakas na sigaw niya sa akin sa harap ng mukha ko
"Sir hindi po, hindi ko rin po sinasasadya na magulat kayo" takot na sagot ko
Hinawakan niya pa ako ng mas madiin bago tuluyang tinulak dahilan para sumubsob ang mukha ko sa lamesa
"Ayusin mo ang trabaho mo kung ayaw mong ipakulong kita, kayang kaya kong gawin iyon estupida!" sabi niya sabay martsa palayo sa akin
Nabigla man ako sa nangyari pero agad ring nakabawi. Pakiramdam ko yung pagiging ganoon ng ugali niya ay may malalim na pinang galingan kaya kailangan unawain nalang. Saka para kay Ravi ang kikitain ko dito kaya dapat kong pag tiisan ang ugaling ng tulad niya.
Para sa anak ko kaya kahit ano kakayanin at titiisin ko at pakiramdam ko ang tulad ni Sir Craige ay kailangan ng konting pang unawa, baka may pinagdadaanan lang talaga ang tulad niya