CHAPTER 13
***
Tulala ako sa kawalan habang iniisip ang nangyari noong isang linggo. Nakausap namin nila Krezella at Amora si Prinsipe West tungkol sa hinihinging tulong ni Facio. Hindi ko sinabi sa kanila na si Facio ang founder ng Katipunan dahil si Facio ang dapat na magsabi sa kanila nito.
Isasagawa namin ang plano sa mga susunod na linggo. Ang sabi sa amin ni Prinsipe West ay mag-imbestiga raw muna.
Halos ipagtulakan rin ako ng mga kaibigan ko sa Prinsipe at inaasar nila ako dahil kesyo pabebe pa raw ako. "Mahal na prinsesa!"
Hindi ko pa namalayan na nakangiti pala akong mag-isa. Napansin ko si Diana na busangot ang mukha. "Ano na naman ang balita, Diana?" Stress kong saad.
Napa-iling naman siya. "Iniimbitahan ka ni Queen Ezarina sa kaniyang chamber. Nais ka raw niyang makita."
Inis kong sinipa ang ere habang nakaupo sa kama. Napahiga ako at agad na nagsalita. "Bruhang 'yun. Alam naman niyang hindi ko siya type inayayahan pa niya ako!" Dabog akong napatayo at sinabayan ako ni Diana na maglakad papunta sa chamber ng bruhang Reyna.
Naku talaga! Kapag ako inapi niya malalagot siya sa akin.
Hanggang sa tuluyan akong makapasok sa chamber ng bruha, nakita ko naman ito sa lapag na nakaupo at may nakahandang mga pagkain sa harapan niya. Tahimik lang akong umupo sa kaniyang harapan. Nakakagutom naman ito! Ang daming pagkain.
Kaso, baka may lason.
Huwag na nga lang!
"My dear, you look so beautiful. Do you agree if I say that we resemble each other?" Pekeng ngumiti si Queen Ezarina.
Napangiwi ako. "Nah! My mother, which is the original 'Queen' is so much beautiful and we have the resemblance of a goddess." Peke ko rin siyang nginitian.
Siguro kung ang totoong Princess Iris Luna ang nandirito ay matagal na itong patay. Ha-ha.
Nakita ko naman ang irita sa mukha niya kaya naman palihim ko siyang inirapan.
It's my turn.
Napangisi ako. "Oh, by the way! Ano ho kayang balita sa mga tulisan na sumugod noong birthday ni ama? May nalalaman ka ba rito, Queen Ezarina?" Nandidiri ako nang tawagin siyang Queen. Hindi kase bagay sa kaniya. Nakita ko ang gulat sa mukha niya.
Gotcha!
"A-Ah! T-The rebels? I-I don't know! Why don't you talk to your father, dear?" Pinalambing niya ang kaniyang boses ngunit kita naman sa kaniya na halos kakaba-kaba na siya.
Napangisi ako. "Okay! If you say so." Nakataas kilay kong sabi sa kaniya.
***
"We need to investigate the 'feelingera' Queen." Ani ko kina Krezella at Amora nang matapos ko silang ipatawag dito sa kaharian namin. Kasalukuyan kaming nasa kwarto ko at nakahiga kaming tatlo sa malambot at malaki kong kama. "Ha! Really? Go ako d'yan!" Sigaw ni Amora.
"Yeah! Me too. Hindi ko talaga type ang Queen na iyon simula nang umakyat siya sa trono. Like eww!" Krezella made a face.
"Exactly! At kailangan na nating mag-plano na pasukin ang chamber ng bruhang iyon. We will reside tonight." I said and they both agreed.
"Triple twinnie's! Let's gotta do this!" Sabay na sigaw nina Krezella at Amora at nag-fist bump pa.Published by Nôv'elD/rama.Org.
Napapailing na lang ako habang natatawa sa kanila.
Kailan ba ako nakisali sa kalokohan nila?
U-U
***