Mr. CEO is my Secret Husband

CHAPTER 6 Confused



Pagkarating ko ay agad akong nagbihis ng uniform at nagaimula ng maglinis sa unang palapag. Nakita ko na rin sina Cathy at Tomas na nakapagbihis na rin ng mga uniform nila.

"Kumusta na Ruth, ok ka na ba? Magaling ka na? Nabalitaan namin sa head na may sakit ka kahapon " nag aalalang tanong sa akin ni Cathy.

"Ok na ako, nanibago lang siguro. Pero maayos na." Nakangiti kong sabi sa kanila

"Sure ka ha, baka bukas absent kana naman at may sakit " sabi pa ni Tomas.

"yakang yaka na. Ako pa ba? Tara na, linis na tayo. " akma na sana silang maglilinis ng humahangos na dumating ang isang staff at sinabing maglinis sya sa opisina ni Shai. Napakunot ang noo nya, ang alam nya kasi ay may naka assign na taga linis doon

"Hah? Diba may naka assign sadya doon na taga linis. Absent rin ba sya?" tanong ko dito.

"Last day na nya kahapon, at ang balita ko ay wala pang ina assign na bago doon. Sige na, lumakad ka na at maglinis doon bago pa dumating ang CEO." sabi pa ng staff sa kanya. Tumango na lamang sya at tumingin sa dalawang kasama. "Paano ba yan, doon muna ako. Kita na lang tayo mamaya, sabay na tayong mag lunch. " wika ko sa dalawa at kinuha na ang mga gagamitin sa paglilinis.

Dahan dahan syang kumatok at binuksan ang pinto ng walang sumagot sa loob. Nakapatay pa pala ang mga ilaw, siguradong wala pa si Shai. Nilibot nya ang tingin sa paligid at nakitang malinis naman ito. Nagpunas punas na lamang sya at kinuha ang mga basura. Ayaw man nyang pumasok sa kawarto nito ay no choice talaga sya. Kailangan nya itong linisin.

Pagbukas pa lamang ng pinto ay bumungad na kaagad sa kanya ang malaking larawan ni Charlotte, saglit lang nya itong tiningnan at nagsimula ng maglinis. Binilisan nya na lang para makatapos na sya at makaalis na doon.

Sakto naman na inaayos na nya ang mga dala dalang panglinis ng biglang nagbukas ang pintuan. Mabilis syang napalingon at nakita na pumasoj doon si Shai, gwapong gwapo sa suot nitong office attire. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok nito at kumulong sa buong kwarto ang panlalaki nitong amoy.

"G-good Morning Sir" bati ko dito na nakayuko lamang. Nakita ko ang mga paa nitong dahan dahan na lumalapit sa akin.

"Sir?" tanong nito sa akin." Look at me Ruth, ano ba ang meron sa sahig at dyan ka nakatingin?" tanong nito sa akin.

" Sorry" sabi ko dito at tumingin ng tuwid sa kanya." Nalinis ko na po lahat, may ipag uutos pa po ba kayo?" Magalang kong tanong dito.

"Lahat? Yung kwart - ?" hindi ko na pinatapos pa ang pagtatanong nito.

"Yes Sir, lahat lahat po. Kung wala na po kayong ipag uutos, lalabas na po ako. " sabi ko dito at naglakad na palapit sa pintuan. Ngunit bago pa man ako lumagpas dito ay hinwakan na nito ang isa kong braso. Napahinto ako sa aking paglalakad at napatingin sa kanya. Nagkatitigan kami at pagkatapos ay tiningnan ko ang braso kong hawak nito. Agad nya itong binitawan. Muli akong naglakad at diretso ng lumabas ng pintuan.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko ng makalabas ako sa opisina nito. Sapo ko ang aking dibdib dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko ito maintindihan, sya na ang nagbigay ng aggrement tungkol sa kasal namin pero bakit ganito ang mga kinikilos nya.

Tahimik akong naglakad at sumakay ng elevator upang bumaba na sa mga kasamahan ko. Wag naman sana akong bumigay sa mga ipinapakita at ikinikilos ni Shai sa akin. Ayokong dumating ang araw na hulog na hulog na ako dito at saka naman ako biglang iiwan. Hindi ko dapat makalimutan na maghihiwalay kami pagkatapos ng dalawang taon.

" Kumusta ang paglilinis mo sa taas friend, nakira namin na dumating na si sir, naabutan ka ba nya sa office nya? Usisa sa akin ni Carhy.

"Hindi, nagkasalisi siguro kami. " pagsisinungaling ko dito. Ayoko ng humaba pa ang pagtatanong nito at baka kung ano pa ang masabi ko dito. Nagsimula na ulit kaming maglinis ng buong lugar at nagpahinga ng luncch break na. Katulad ng nakasanayan, sabay sabay kaming kumain sa canteen. May mga baon kaming dala, para makatipid na rin. Masaya kaming kumain ng tanghalian. Maraming mga empleyado ang naroroon at ang lahat ay kanya kanya ng kwentuhan. Ngunit biglang tumahimik ang buong paligid na animo ay may dumaan na anghel. Nagtinginan silang magkakaibigan at sabay sabay na lumingon sa entrance ng canteen. Ang kanyang asawa, papasok sa loob. Para itong nag slow motion sa aking paningin. Napakagwapo nito na animo ay isang model na naglalakad sa stage. Napanganga na lamang ako habang pinagmamasdan ito.

"Ruth kinakausap ka ni Sir. " bulong sa kanya ni Cathy. " yung bibig mo nakanganga baka pasukan ng talong... ay ng langaw pala" kinikilig na wika pa nito.

Napayuko ako sa sinabi nito, hindi ko na namalayan na nasa table na pala namin ito nakatayo at kinakausap ako. Ramdam ko ang pamumula ng buo kong mukha. Nakakahiya, palagi na lang akong lutang kapag kaharap ito. Tumingala ako at tumingin dito.

"Sir, a-ano pong tinatanong ni- ninyo?" kandautal utal na tanong ko dito. Nakita kong itong malawak na ngumiti dahilan para makita ko ang pantay pantay at mapuputi nitong mga ngipin.

"Ok lang ba na dito ako umupo ? Wala na kasing bakante at nagugutom na ako" wika nito sa amin pero sa akin nakatingin. Naramdaman ko ang bahagyang pagsiko sa akin ni Cathy.

"Ok lang naman Sir " sabi ko at nagsimula na ulit kumain. Halos hindi ko malunok ang kanin at pakiramdam ko ay napakabagal ng oras. Nakakarinig ako ng mga bulungan at siguradong mamaya ay marami ng mga Maritess sa paligid. Mabilis nakatapos si Shai sa pagkain, nakita kong uminun na ito ng tubig at pagkatapos ay nagsalita

"Mauuna na ako sa inyo, Ruth, eat your lunch. Aalis na ako para makakain ka ng maayos" sabi nito na ikinatili ni Cathy. Muling napatingin sa amin ang mga naroroon. Ang iba ay kinikilig din pero ang iba ay napapairap. Tumayo na ito at umalis. Napahinga ako ng malalim at pakiramdam ko ay muli ng gumalaw ng normal ang paligid ko. "Oy, friend hah, ano yun? May hindi ka ba sinasabi sa amin ? "biro sa kanya ni Cathy. "Nililigawan ka ba ni Sir, Ruth?" Tanong naman ni Tomas. Umiling iling ako at todo sa pagtanggi.

"Hindi ah, ano ba kayo. Hindi ko nga alam kung bakit dito yun sumabay sa atin. " sagot nya sa dalawa.

"Wehhh ! Eh bakit parang kakaiba ang mga sulyapan ninyong dalawa? " pangungulit pa nito. Bumulong pa ito sa akin " Pinopormahan ka ni Sir ano?" mabilis syang napalingon dito at umiling.noveldrama

"Ano ka ba? Hinaan mo ang boses mo at baka may makarinig. Baka kung ano ang isipin nila " ulong ko din dito. Napapailing na lamang si Tomas sa kakulitan ni Cathy. Tatayo na sana sila ng isang grupo sa kabilang lamesa ang nagsalita.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.